LAOAG CITY – Pinangunahan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta ang isinagawang ground breaking ceremony para sa pagpapatayo ng bagong hall of ustice sa lungsod ng Laoag.
Sa ambush interview kay Peralta, nais nitong matupad ang kanyang pangako na magkakaroon ng magandang hall of justice ang mga abogado, fiscal, huwes at mga taong nangangailangan ng hustisya.
Aniya, nagrereklamo ang mga abogado at huwes dahil hindi sila makapagtrabaho nang maayos dahil luma at may sira ang mga bahagi Marcos Hall of Justice.
Tumutulo na raw ang tubig mula sa bubong kapag umuulan.
Samantala, plano naman ni Peralta na bigyan ng oras ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina na matanda na at kailangan nitong alagaan matapos ang kanyang early retirement sa Marso ngayong taon.
Nabanggit din ni Peralta na nam-imiss na niya ang iba’t ibang putahe ng mga Ilokano kagaya ng paksiw at iba pang masasarap na pagkain.