-- Advertisements --
image 247

Inilabas na ng National Basketball Association ang desisyon nito ukol sa panibagong iskandalo na kinasangkutan ni NBA rising star Ja Morant kung saan muli itong nakitaan ng baril habang naka-live sa kanyang social media account.

Batay sa desisyon ng NBA, si Ja Morant ay hindi maaaring maglaro sa loob ng 25 games, pagsapit ng regular season para sa 2023-2024.

Ang nasabing desisyon ay batay na rin sa naging deliberasyon ng NBA sa tinawang nilang ‘reckless behavior’ ni Morant.

Ngayong taon, ito na ang pangalawang suspensyon na inilabas ng NBA laban kay Morant, matapos ang unang kinasangkutan nito noong Marso ng kasalukuyang taon.

Sa nasabing iskandalo, sinusupendi rin noon si Morant ng walong NBA Games, at sumailalim ito sa isang counselling at therapy.

Samantala, tinanggap naman ng Memphis Grizzlies ang naging desisyon ng liga.

Batay sa naging statement ng Grizzlies, nirerespeto nila ang desisyong ito ng liga. Nakasaad sa statement ng Grizzlies, na naiintindihan ng buong team ang standards ng NBA, na dapat ay sundin ng bawat staff, at manlalaro.