Kinansela na ng American rock band na Green Day ang kauna-unahan sana nilang concert sa Pilipinas sa darating na Marso.

Ayon sa concert organizer na MMI Live, matapos ilipat ang petsa ng kanilang tour sa Marso 13, 2021 mula Marso 14, 2020 ay hindi na raw magsasagawa muna ng anumang concert ang banda.

“Green Day Live in Manila scheduled on March 13, 2021 is no longer able to take place,” saad ng organizer.

“While it was not possible to reschedule the tour at this time, the band hopes to see their fans in Asia in the near future.”

Nakatakda sanang bumisita sa Maynila ang Green Day, maging sa ibang mga siyudad sa Asya, bilang bahagi ng kanilang Hella Mega Tour.

Nakilala ang banda sa kanilang mga hit albums na “Dookie” at “American Idiot.”