Nilagdaan na ni US President Donald Trump ang executive order na pansamantalang magbabawal sa pag-apruba ng mga bagong green cards na tatagal ng 60 araw.
Alinsunod ito sa plano ng Republican president na siguraduhing may mababalikan na trabaho ang lahat ng American citizens sa oras na matapos ang coronavirus pandemic.
Tinatayang aabot na sa 22 million Americans ang naghain ng kanilang unemployment benefits. Ang naturang desisyon ay inaasahan namang hindi makaaapekto sa mga nagnanais na pansamantalang makapasok sa Estados Unidos.
“This will ensure that unemployed Americans of all backgrounds will be first in line for jobs as our economy reopens,” wika ni Trump sa ginanap na coronavirus briefing sa White House ngayong araw.
Ngunit lubhang matatamaan nito ang nasa 5,068,414 Indian nationals na nasa Amerika na naghihintay na makuha ang kanilang Green Card.
“It would be wrong and unjust for Americans laid off by the virus to be replaced with new immigrant labour flown in from abroad,”
Ang Green Card ay ibinibigay sa mga foreign nationals na nagnanais na permanenteng manirahan sa U.S. Maaaring mag-apply ang isang indibidwal ng Green Card kung naninirahan na ito sa Amerika sa loob ng 5 taon.
Kayang mag-iisue ng US government ng halos isang millyong employment-based Green Cards kada taon.
Mayroon namang tatlong kategorya ang Green Cards; ito ay ang EB-1, EB-2 at EB-3. Noong 2019, nakatanggap ang mga Indian nationals sa Amerika ng 9,008 EB-1, 2,908 EB-2 at 5,083 EB-3 Green Cards.