-- Advertisements --

Nakakaranas ng harassment ang Grab driver sa pinag-usapan na “Lugaw is Not Essential” na video sa social media pati na rin ang may-ari ng lugawan mismo sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kaya naman nagpasaklolo na sa abogado sina Marvin Ignacio, Grab driver, at. Jane ressurection, may-ari ng lugawan, dahil mismo sa mga tanod bayan ng Barangay Muzon sila nakakaranas ng harassment.

Ayon kay Ignacio, bago pa man nangyari ang kontrobersyal na video ay madalas na raw silang mga Grab driver na sinisigawan ng mga taga-barangay kapag sila ay dumadaan sa lugar.

Nakakatanggap na rin aniya siya ng pagbabanta sa kanyang messenger, bahay na kanyang labis na ikinakabahala kasi baka maging ang kanyang pamilya ay madamay din.

Masyado na aniya silang naapektuhan nang pangyayari kaya napilitan na rin sila ng kanyang pamilya na maghanap ng bagong tirahan at pansamantala ring huminto sa trabaho.

Sinabi naman ni Ressurection na napilitan na lang din sila na pansamantalang magsara bunsod ng nararanasan ding harassment mula sa mga taga-barangay.

Pinagbantaan din aniya siya na hindi bibigyan ng permit para makapag benta at pahihirapan din umano.

Gayunman, sinabi ni Atty John Tipon na pinag-aaralan na nila ang posibleng ihahaing reklamo piskal laban sa pamunuan ng Barangay Muzon.