-- Advertisements --

Isinusulong ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr., ang House Bill 3096 o Government Rightsizing Bill.

Ang naturang panukala ang isa sa mga priority legislation na nabanggit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Layon ng rightsizing bill na pasimplehin at imodernisa ang sistema at proseso ng serbisyo publiko ng pamahalaan at magamit ng tama ang resources ng gobyerno.

Sa ilalim ng National Government Rightsizing Program, tutukuyin ng pamahalaan kung alin sa 187 government agencies at government-owned and -controlled corporations (GOCCs) ang dapat i-streamline sa pamamagitan ng emerging, restructuring, o abolition.

Naniniwala kasi si Haresco na kapag ang government structures ay walang “inefficiency and unnecessary costs and redundancies” mas magandang serbisyo publiko mula sa gobyerno ang makukuha ng sambayanan.

Ito na ang ika-apat na panukalang batas na nagsusulong ng rightsizing program sa pamahalaan.