-- Advertisements --

Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamahalaan na kilalanin at tugunan ang obserbasyon ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa crimes against humanity sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ang tinutukoy ng CHR ay ang December 14 report ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na nagsasabing mayroong “reasonable basis” para paniwalaan na mayroong nangyaring crimes against humanity sa way on drugs ng Duterte administration.

Iginiit ng CHR na trabaho ng estado na tiyakin ang balanse sa pagitan ng kalayaan at kapangyarihan at ang pagsunod sa batas.

Pangunahing responsibilidad din aniya ng estado na protektahan ang mga karapatang pantao.

Ayon sa CHR, patuloy silang makikipagtulungan sa domestic at international protection mechanisms para matiyak na natutugunan ang mga human rights violations sa bansa, at mapanagot din ang mga tao na nasalikod nang paglabag na ito.