Nanawagan si Senador Christopher Bong Go na magpatupad na ng government intervention sa gitna ng inaasahang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin dahil sa giyera sa Israel.
Inihayag ni Go na Oktubre na ngayon at kompiyansa siyang may natitira pang pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa ayuda sa mga Pilipino.
Iginiit ng Senador na dapat gamitin na ang mga ito at ipamahagi upang makaagapay ang ating mga kababayan sa patuloy na pagtaas ng presyo.
Kasabay nito, muling nananawagan ang Senador sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na siguruduhing all accounted for ang mga Pinoy sa Israel.
Dapat aniyang ilikas na nang maaga ang mga Pinoy upang mabigyan din ng peace of mind ang kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas.
Nagpahayag na rin ng pakikiramay si Go sa pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa Israel.