-- Advertisements --
Magbibigay ng P12.5 million ang technology giant company na Google sa bansa para sa distance learning sa bansa.
Ang nasabing grant ay bahagi ng Distance Learning Fund mula sa Google.org ang philantrophic arm ng kumpanya na tumutulong sa mga bansa na magsasagawa ng remote learning.
Napili ng kumpanya ang proyekto mula sa Asian Institute of Journalism and Communication (ACJ) at INCO Education Accelerator na siyang nagsasagawa ng capacity building program na epektibong nagbibigay sa mga guro ng distance learning.