-- Advertisements --

Pinarangalan bilang athlete of the year sa SMC-Philippine Sports Association (SMC-PSA) Annual Awards Night ang golfer na si Yuka Saso.

Bunsod umano ito ng pagsisikap ng Pinay golfer sa kaniyang career sa kabila ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Matatandaang namayagpag ang galing ni Saso sa ilang international tournament noong nakaraang taon.

Dalawang titulo ang nakuha nito sa Japan LPGA – ang NEC Karuizawa Championship at ang Nitori Ladies Golf Tournament; habang nagtapos itong ika-13 sa prestihiyosong US Open.

Dahil sa mga tagumpay na ito, nailagay ang watawat ng Pilipinas sa world map ng golf.

-- Advertisement --