-- Advertisements --
Wala ng balak si golf superstar Rory Mcllroy na makalaro muli si US President Donald Trump.
Sinabi nito na hind na siya sumasang-ayon sa anumang desisyon at pinagsasabi ng US President.
Isa aniya sa inayawan niya kay Trump ay tila pinupulitika na niya ang mga isyu tungkol sa coronavirus na nararanasan sa buong mundo.
Dapat aniya ay magpakita ng diplomasya ang US President sa pagresolba ng coronavirus pandemic.
Magugunitang noong 2017 ay nakasama ni Mcllroy si Trump sa Trump International golf tournament sa Florida kung saan dumepensa ito na hindi niya iniindorso ang US President.