-- Advertisements --
Nagmistulang lansangan ng Maynila ang Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.
Ito’y makaraang irampa rito ang mga “Tatak Pinoy” na tricycle units na punong-puno ng dekorasyon.
Nakawagayway rin ang banners na may nakasulat na “Love the Philippines,” na siyang official slogan ng Department of Tourism (DoT).
Nabatid na pinangunahan ng DOT ang aktibidad, na may layuning ipakilala sa buong mundo ang mayamang kultura ng Pilipinas at makahimok ng mga turistang bibisita sa ating bansa.
Samantala, sa December 30, 2023, ang San Francisco Ferry Building ay magta-transform bilang tambayan ng mga Pinoy.
Itatampok kasi rito ang local vendors, live performances at fashion show ng world-renowned Filipino designer na si Francis Libiran.