-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang “Godmother of Funk” na si Betty Davis sa edad 77.

Kinumpirma ng kaniyang kaibigan na si Constance Portis ang kamatayan ng singer subalit hindi na nito binanggit ang dahilan ng kamatayan ng singer.

Nakilala si Davis sa mga kanta nitong funk na mayroong sexual lyrics.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga singer.

Isinilang sa North Carolina na sumikat sa pagkanta sa New York noong 1960.

Nakasama niya ang ilang mga legendary singers sa mga concert gaya nina Jimi Hendrix at Sky Stone.