Ibinunyag ng opisyal ng Ukraine na nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Ukraine sa Pilipinas para talakayin ang nagpapatuloy na conflict sa pagitan nila ng Russia subalit wala pang tugon dito ang pamahalaan simula pa noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Ayon kay Denys Mykhailiuk, Chargé d’affaires ng Ukraine Embassy sa Malaysia, nag-request sila ng tawag sa pagitan nina Ukrainian president Volodomyr Zelensky at noon ay President-elect Ferdinand Marcos subalit wala pang tugon dito ang opisina ng presidente.
Sa isang press briefing, sinabi ng opisyal na dalawang beses nilang tinawagan si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DFA) mula nooong June 2022.
Sa ngayon, wala pang komento dito ang DFA at Malacañang.
Sa kasuluyan nagpapatuloy pa rin ang conflict sa pagitan ng Russia at ukraine mula ng simulan ng Russian forces ang paglusob noong Pebrero 2022 na nagresulta sa pagkasawi ng libu-libong mamamayan at milyon-milyong mga Ukrainians ang napilitang lisanin ang kanilang sariling bansa.