-- Advertisements --
image 660

Nais ng gobyerno na repormahin ang sistema ng pensiyon ng military uniformed personnel (MUP) upang maiwasan ang “fiscal collapse,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ang pamahalaan ay nagmungkahi ng apat na reporma kabilang ang:
– Pagtanggap ng pensiyon sa 57 taong gulang
– Mga mandatoryong kontribusyon para sa mga aktibong tauhan at mga bagong miyembro
– Pag-alis ng awtomatikong index ng pensiyon sa suweldo ng mga aktibong tauhan na may katulad na ranggo
– Paglalapat ng reporma sa lahat ng aktibong tauhan at mga bagong miyembro

Ayon kay Diokno, darating ang panahon na ang kasalukuyang budget ng militar ay magiging halos one-third o one-fourth na bahagi lamang ng pera na binabayaran para sa mga pensiyonado.

Sinang-ayunan ni Defense Secretary Carlito Galvez at Interior Local and Government Secretary Benhur Abalos ang nasabing panukala ng gobyerno.

Saklaw ng sistema ng pensiyon ang mga nasa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Philippine Coast Guard, at Bureau of Corrections.

Sa kasalukuyan, ang sistema ng pensiyon ng military uniformed personnel ay pinopondohan ng pambansang pamahalaan at walang kontribusyon mula sa mga nagreretiro.