-- Advertisements --
Diokno1

Plano ngayon ng gobyerno ng Pilipinas na makalikom ng $2 bilyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng dollar-denominated bond sa investing public, na target sa mga overseas Filipino worker (OFWs), kung saan nakatakdang isagawa naman sa huling bahagi ng ikatlong quarter ng 2023.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang pamahalaan ay lilikom ng pondo mula sa debt market na may nakaplanong retail bond na target sa mga OFW, na maaaring makabili ng mga bond gamit ang mga e-wallet.

Muling namang iginiit ni National Treasurer Rosalia de Leon, na target ng gobyerno na makalikom ng $2 bilyon mula sa retail bonds issuance.

Ginagawa na nila aniya ang lahat ng marketing ngayon.

Sinabi pa ni de Leon na ang layunin ng pag-aalok ng retail dollar bond ay upang mabigyan ang mga OFW ng isang outlet para makapag-invest.