Hinimok ng isang grupo na dapat isaalang-alang ng gobyerno ng Ph na babaan ang mga taripa sa inaangkat na karne at iba pang produktong pagkain upang mabawasan ang mga presyo nito.
Sinabi ni Jess Cham, President Emeritus, Meat Importers and Traders Association, na ang pagprotekta sa mga lokal na magsasaka ng baboy at manok sa pamamagitan ng mataas na taripa ay hindi nagresulta sa mas mababang presyo para sa mga mamimili.
Aniya, dapat isaalang-alang ng gobyerno ang pagpapanatiling mababa ang mga taripa upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga nasabing produkto.
Upang matulungan ang lokal na industriya na mapaglabanan ang epekto ng kompetisyon mula sa mga pag-import, sinabi ni Cham na dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang paglalaan ng mga pondo upang matulungan ang mga lokal na magsasaka ng baboy at manok.
Matatandaan na inirekomenda ng isang ahensya ng gobyerno na palawigin ang mababang taripa sa pag-import ng karne at bigas sa gitna ng mga alalahanin dahil sa nananatiling mataas na inflation.
Gayunpaman ang mga local food growers at farmers ay sumasalungat sa ideyang ito na nagsasabi na ang mga pag-import ay malalampasan ang lokal na tinatanim na bigas, karne at iba pang produkto.