-- Advertisements --
image 18

Target ng gobyerno ng Canada na maisapinal at malagdaan na ang isang defense cooperation deal sa Pilipinas sa nakatakdang dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa sa Hunyo ayon sa Canadian Embassy sa Manila.

Ayon sa senior official ng embahada, ang naturang memorandum of understanding ay magsisilbing framework para sa mapagbuti pa ang defense relations na natigil dahil sa hindi pagkakasundo sa nakalipas na administrasyon dahil sa ilang isyu gaya ng karapatang pantao.

Umaasa aniya ang Canadian government na magkaroon ng mga oportunidad para mapataas ang partisipasyon nito sa military exercises gaya ng Visiting Forces Agreement o Status of Visiting Forces Agreement na mayroon ang Pilipinas sa Amerika o Australia.

Kayat sa oras na maisapinal na ng naturang kasunduan inaasahang mapapalawig ang security partnerships, posibleng military exercises, mga pagsasanay, capacity building at iba pa.

Liban pa dito, interesado din ang Canada na mapalakas pa ang maritime cooperation nito sa ating bansa.

Nagpahayag din ang Canada na makikipagtulungan ito sa mga partners nito para maiwaksi ang anumang unilateral actions na banta sa status quo sa East at pinag-aagawang karagatan sa West Philippine Sea kabialng ang Taiwan Strait.