Tiniyak ng pamahalaan na nakatutok ito sa epekto ng El Nino at La Nina partikular sa suplay ng mga prime commodities gaya ng pagkain at enerhiya kasunod ng pagtaas sa 3.7% ang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Marso.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ipinapatupad sa ngayon ang strategic measures para pahupain ang inflation rate.
Siniguro din ng gobyerno na mabibigyan ng tulong ng Department of Agriculture (DA) ang mga apektadong magsasaka sa nararanasang tagtuyot.
Upang matiyak na may sapat na tubig ngayong tagtuyot, inatasan ang Department of Environment and Natural Resources na imonitor ang water supply ng bansa.
Gayunpaman, pinaghahandaan na rin ng gobyerno ang posibleng epekto na dala ng La Nina.
Siniguro naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na committed ang Marcos administration sa pagkontrol sa inflation upang maipagpatuloy ang pagsulong at mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino.
Para mapagaan ang mataas na presyo ng kuryente sa vulnerable sector, eligible consumers makakatanggap ng 100 percent discount sa kanilang buwanang bills.