-- Advertisements --

Makakatanggap ng libreng vaccine card ang sinumang indibidwal na magpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19 base na rin sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Republic Act No. 11525 o kilala rin bilang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, ay inaatasan ang Department of Health (DOH) na magkaroon ng central database ng pagbabakuna at uniform format ng vaccine cards.

Hindi naman ito magsisilbing karagdagdagang mandatory requirement para sa educational. employment, at government transaction.

Upang mas mapabilis ang proseso ay maaaring i-delegate ng DOH ang proccessing at issuance ng mga vaccine cards sa mga lokal na pamahalaan at private entities.

Ang vaccine card ay maaaring printed o digital at naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:

  • basic personal infomation tulad ng buong pangalan, present o permanent address at birthdate;
  • manufacturer, brand name, at batch number o iba pang identifier ng COVID-19 vaccine;
  • petsa ng pagbabakun
  • pangalan ng ospital, health center o health facility kung saan natanggap ang bakuna
  • pangalan, signatre, license number ng duly licensed physician, nurse o health worker na nagturok ng bakuna
  • petsa ng huling RT-PCR testing at pangalan ng laboratoryo

Sa ilalim ng naturang ang batas, ang DOH, sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ay kinakailangang mag-develop ng LGU-based digital systems at application alinsunod sa objectives ng COVID-19 Vaccination Program upang mapanatili ang kalidad, ligtas, ease of use, at accessibility para sa mga Pilipino.