-- Advertisements --
image 564

Pinangunahan ng El Nino team ang isanagawang pagpupulong kasama ang mga kinatawan mula sa Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), Arise Philippines, United Nations for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN-OCHA) at UN-Food and Agriculture Organization (UN-FAO).

Tinalakay nila ang national action plan, at ang roadmap ng bansa sa pagtugon sa weather phenomenon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council executive director Ariel Nepomuceno, tapos na aniya nilang pagsamahin ang mga plano, programa, ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kaugnay ng El Niño.

Nai-publish na rin aniya nila ang national action plan na nagbabalangkas sa short, medium at long term interventions na natalakay nila sa mga nauna na nilang pagpupulong.

Binigyang diin ni Nepomuceno na ang pakikipag-ugnayan sa private groups ay para mas maging komprehensibo at encompassing ang kanilang mga plano.

Dumalo ang mga ahensya tulad ng Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy, Department of Health, at Department of the Interior and Local Government para pag-usapan ang mga plano para sa mga industriyang nauugnay sa kanilang departamento.

Sa pagpupulong, ipinaliwanag ng Philippine Disaster Resilience Foundation ang mga pangunahing interbensyon sa mga prayoridad na lugar na idineklara ng pamahalaan tulad ng pagpapatupad ng national energy contingency plan upang matiyak ang seguridad ng enerhiya.