Sinusuportahan ng Globe ang Senate bills na mag-aamyenda sa 26-year-old Intellectual Property Code upang mapalakas ang pagpapatupad laban sa online content piracy, mga hakbang na magbibigay ng proteksiyon sa Filipino creative industries at customers na nahaharap sa panganib online.
Naghain sina Senador Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr. ng magkahiwalay na bills upang palakasin ang Intellectual Property Code, isang parallel measure sa House Bill No. 7600 ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa House of Representatives na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong May 2023.
Ang naturang mga panukalang batas ay naglalayong ma-update ang Republic Act No. 8293, na kilala rin bilang Intellectual Property Code of the Philippines, na itinatag noong 1997, bago naging laganap ang online content piracy.
“The Globe Group recognizes the urgent need to modernize the Intellectual Property Code, especially in the face of growing online threats such as online content piracy. It’s crucial to safeguard our creative industries, their workforce, and consumers who might unknowingly access malicious links on pirated websites, jeopardizing their personal data,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.
Ang pag-amyenda sa Intellectual Property Code para mapalakas ang pagpapatupad laban sa online content piracy ay mag-i-institutionalize sa isang landmark Memorandum of Understanding na nilagdaan kamakailan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at Globe kasama ang iba pang nangungunang Internet Service Providers (ISPs) sa bansa upang bumuo ng isang to site-blocking mechanism laban sa pirate sites.
Ang MOU, ang una sa Asia, ay isang makabuluhang hakbang laban sa online content piracy dahil itinatatag nito ang isang voluntary site-blocking practice laban sa hindi awtorisadong pamamahagi at pagbebenta ng pirated content sa internet. Binabalangkas din ng MOU ang general principles at procedures para sa site blocking habang binibigyang-diin ang pagtutulungan sa pagitan ng IPOPHL at ng ISPs.
Ang Globe ay patuloy na kumakampanya kontra online content piracy sa pamamagitan ng #PlayItRight initiative, na nagsusulong sa proteksiyon ng content creators sa isang era na pinangingibabawan ng pirated materials.
Bilang miyembro ng Video Coalition of the Philippines na itinatag noong nakaraang taon kasama ang major industry players at ang Asia Video Industry Association (AVIA), ang Globe ay nangunguna sa pagsusulong sa matatag na intellectual property rights sa Pilipinas.
Layon ng mga panukalang batas nina Estrada at Revilla na bigyang kapangyarihan ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na paghigpitan ang access sa copyright-infringing sites at magpatupad ng site-blocking measures, na susuporta sa creative sectors laban sa talamak na piracy.
Iminumungkahi ng Senate Bill 2150 ni Estrada na isinumite noong May 9, 2023 ang blocking access sa mga website na nagsusulong ng copyright violations at ipinapanukala ang multang hanggang P1 million.
Samantala, ang Senate Bill No. 2385 ni Revilla na inihain noong August 1, 2023 ay nakatuon sa pagpapalakas ng kapangyarihan at mga responsibilidad ng IPOPHL.
Binigyang-diin ni Estrada ang malaking pagtaas sa online film piracy noong COVID-19 pandemic, kung saan ang illegal online links sa Filipino films, kabilang ang mga nagmula sa 2020 Metro Manila Film Festival, ay malawakang ibinabahagi sa social media.