Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na minimal lamang ang epekto sa agrikultura ng PH ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng grupo na Hamas.
Binigyang diin ni DA Sec. for Operations Arnel De Mesa na mayroong matatag at matagal ng trade partnertship ang PH at Israel sa iba’t ibang mga inisyatibo partikular na sa water management at fertilization.
Saad pa ng opisyal na isa sa mga teknolohiya ng Israel na sikat sa mga Pilipinong magsasaka ay ang fertigation na pinagsama ang episyenteng distribusyon ng plant nutrients sa pamamagitan ng drip irrigation.
Ayon pa sa DA official, nagagawang makapaglagay ng mga magsasaka ng tamang amount ng nutrients kpara sa kanilang pananim sa pamamagitan ng fertigation habang nakapagtitipid ng patubig.
Liban pa dito ang Israel ang constant purchaser ng desiccated coconut, pineapple juice, concentrates, at iba pang mixtures mula sa Filipino manufacturers. Kung saan umaabot sa 3,441,855 kilograms ang kabuuang exports ng Israel sa iba’t ibang produkto ng PH noong 2022.
Kayat umaasa ang opisyal para sa garang resolusyon ng giyera sa Israel.