-- Advertisements --

Naniniwala si US Secretary of State Marco Rubio na ilang linggo na lamang ay matatapos na ang giyera sa Iran.

Ipinagmalaki nito na tuloy-tuloy ang pagpupursige ng US para pilitin ang Iran na tumugon sa nasabing peace plan.

Giit nito na malinaw ang pakay ng US at ito ay malapit na nilang makamit sa takdang panahon.

Kabilang si Rubio na dumadalo sa G7 meeting sa France kung saan tatalakayin dito ang pagkakaroon ng pagpapatigil na ng giyera sa Iran.

Hinihintay din ni Rubio ang magiging tugon ng Iran sa kanilang 15-point plan.

Hindi rin binanggit nito kung magpapakalat sila ng mga sundalo ng US sa Iran.