-- Advertisements --
Nagpakita ng kaniyang kahandaan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makipag-negotiate kay Russian President Vladimir Putin kaugnay sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ngunit nagbabala si Zelensky na kapag hindi maisakatuparan ang nasabing negosasyon, maaari itong magresulta sa World War 3.
Iginiit naman nito na handa siya sa nasabing giyera lalo pa’t pinaghandaan din daw niya ito dalawang taon ang nakalipas.
Aniya, kung walang mangyayaring negosasyon, hindi matatapos ang giyera.
Napag-alaman na umakyat na sa mahigit 900 sibilyan ang namatay habang 1,459 sugatan mula ng magsimula ang Russian invasion sa Ukraine ayon na rin sa report ng Office of the UN High Commissioner for Human Rights (OHCHR).