-- Advertisements --
MMDA

Normal na magbigay ng “courtesy” sa mga very important persons o mga VIP tulad ng matataas na opisyal sa paggamit ng mga pampublikong kalsada.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Romando Artes bilang tugon sa nag-viral na video sa social media na nagpakita ng traffic sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dulot ng pagdaan ng isang convoy.

“We extend courtesy especially to the President and Vice President because they have security concerns,” ani Artes sa pulong balitaan.

Dagdag pa ni Artes, ang seguridad ay ang prayoridad para sa nasabing “courtesy” at “hindi para sa anumang bagay, privilege at entitlement.

Giit pa nito, ang “courtesy” para sa mga opisyal na gumagamit ng mga pampublikong kalsada ay depende sa case-to-case basis at wala aniyang specific rules.