-- Advertisements --

Tiyak ang puwesto sa top 4 ng Barangay Ginebra matapos talunin nila ang Terrafirma 109-104 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup sa Ynares Center, Antipolo.

Bumida sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na nagtala ng 38 points habang mayroong 23 points si Christian Stanhardinger.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone na kinailangan niyang ibabad sa laro ang ilang manlalaro dahil mahalaga para sa kanila ang manalo.

Dahil sa panalo ay solo na ng Ginebra ang ikalawang puwesto na mayroong walong panalo at dalawang talo habang ang Dyip ay mayroong dalawang panalo at siyam na talo.