-- Advertisements --

Pinahiya ng Barangay Ginebra ang NLEX Road Warriors 114-111 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 44 points habang mayroong 19 points si Jeremiah Gray.

Nakapag-ambag naman ng 12 points si Scottie Thompson at mayroong 10 points si Stanley Pringle.

Hawak pa ng Ginebra ang kalamangan ng 11 points subalit umarangkada ang NLEX at lumamang sila ng 12 points bago nabura ito ng Ginebra.

-- Advertisement --

Nasayang naman ang ginawang 43 points ni Wayne Selden ng NLEX.