-- Advertisements --
Pinahiya ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts 91-84 para makuha ang 2-1 na kalamangan sa best of five semifinals ng PBA Philippine Cup.
Nanguna sa panalo ng Gins si Stanley Pringle na nagtala ng 23 points habang mayroong 15 points ang naitala ni Prince Caperal at 12 points naman ang naiambag ni LA Tenorio.
Mula sa simula pa lamang ng laro ay hindi na hinayaan ng Ginebra na makalamang ang Bolts.
Ayon kay Ginebra coach Tim Cone na naging tama ang ibinigay nilang trabaho para kay Pringle dahil hindi nila ito pinahiya at tinapos at ginawa ang lahat ng makakaya para maipanalo ang laro.