-- Advertisements --
Nalusutan ng Barangay Ginebra ang matinding opensa ng TNT Tropang Texters 89-85 para sa PBA Commissioner’s Cup.
Namayani sa panalo ng Ginebra ang kanilang import n asi Justin Brownlee na mayroong 21 points, 9 rebounds at walong assists.
Mayroon namang 12 points si Stanley Pringle habang mayroong 10 points at anim na assist si Scottie Thompson.
Naging malaking hamon ang laro sa TNT dahil sa hindi paglalaro ng kanilang import na si Cameron Oliver dahil sa leg injury.
Naitabla ng TNT ang puntos sa 81 subalit hindi nila napigilan si Thompson at dinala ang Gins 85-81.
Mayroon ng pitong panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang TNT ay mayroong apat na panalo at anim na talo.