-- Advertisements --

Sinuspendi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dalawang Sannguniang Panglunsod Chairman mula sa lungsod ng Makati.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang dalawa ay kinilalang sina Natalia Georgianna M. Tupaz ng Barangay Dasmariñas at Cecilia Louise P. Yabut ng Barangay Magallanes na parehas sa lungsod ng Makati.

Si Tupaz ay suspendido ng anim na buwan dahil sa pagkuha ng 20 porsyento mula sa supplier ng Halloween projects kung saan ito ay nakumpirma sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

Inakusahan din siya ng pagsumite ng SK resolution na nameke ng pirma kanilang SK Secretary na nauna ng nagbitiw sa puwesto noong Marso 8, 2026.

Habang si Yabut ay suspendido ng tatlong buwan dahil sa pagsumite ng dokumento na may pinekeng pimra kabilang ang pirma ng isang SK kagawad na noon ay nasa ibang bansa.

Sinabi pa ni Remulla na ang si Tupaz ay maaring makasuhan sa Office of the Ombudsman ng direct bribery , violation of Republic Act 3019, falsification of public documents habang si Yabut at ang SK treasurer ay maaaring maharap sa falsification charges dahil sa purchase request.