-- Advertisements --

Nakuha muli ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng PBA Governor’s Cup finals matapos na ilampaso ang Meralco Bolts 103-92.

Nadomina ng Ginebra ang best of seven finals ng makalamang sa serye ng 4-2.

Sa pagtatapos ng second quarter ay naging tabla pa sa 47-all ang laro.

Dito na umarangkada sina Justine Brownlee at Scottie Thompson sa pagpasok ng third quarter.

Nagtapos ng kabuuang 24 points at 16 na rebounds si Brownlee kasabay ng kaniyang ika-34 na kaarawan.

Naitala naman ng veteran guard na si LA Tenorio ang game-high na 30 points habang mayroong 19 points at 13 rebounds si Christian Standhardingers, samantalang nagdagdag ng 15 points si Thompson.

Ito na ang pang-apat na pagkatalo ng Bolts sa paghaharap nila sa finals ng karibal na Barangay Ginebra.