-- Advertisements --

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo kontra Bay Area Dragons 96-81 sa finals ng PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 28 points, 13 rebounds habang mayroong conference high points na 22 si LA Tenorio.

Hawak pa ng Dragons ang kalamangan 34-26 sa second quarter hanggang tuluyang nahabol ito ng Ginebra.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na isang magandang karanasan ang maglaro sa harap ng mahigit 18,000 na fans lalo na ngayong Christmas.

Gaganapin naman ang Game 2 sa Disyembre 28 sa Smart-Araneta Coliseum.