-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts 99-91 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Jusint Brownlee na mayroong 34 points, apat na rebounds at apat na assists habang mayroong Scottie Thompson na nagtala ng 15 points, nine rebounds, nine assists habang mayroong 16 points si Stanley Pringle at tig-10 points sina Christian Standhardinger, Japeth Aguilar at Jaime Malonzo.
Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gins habang ang Bolts ay wala pang panalo at dalawa na ang talo nila.
Nasayang naman ang nagawang 31 points at 16 rebounds ni Johnny O’Bryant para sa Bolts at 20 points naman ni Allein Maliksi.