-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na nakalabas pang buhay ang babaeng may deperensiya sa pag-iisip matapos lamunin ng buhay nang masunog ang kanyang tirahan kahapon ng hapon resulta sa kanyang pagkatusta.

Nakilala ang biktimang si Alma Bundia, 49-anyos, may asawa at residente ng Purok 2, Brgy. Bonbon sa lungsod ng Butuan.

Tinataya namang aabot sa P200,000 ang danyos ng sunog na nagsimula pasado alas-3:00 ng hapon at naideklarang fireout pasado alas-4:05 ng hapon matapos nirespondehan ng tatlong mga fire trucks.

Agad nahanap ng mga bombero ang bangkay ni Buendia sa comfort room ng bahay.

Ayon sa kanyang mga kapitbahay, narinig pa nilang tumatawa ang biktima habang nasa loob ng nasusunog na bahay.

Inalam pa rin ng mga bombero kung saan galing ang apoy.