-- Advertisements --

Patay ang isang ginang matapos na masamang nasunog sa kanilang bahay sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ang biktimang si Melanie Gonzalez ng Sampaguita, Sta. Lucia, Pasig.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protectioin (BFP) na pasado alas-dos ng madaling araw ng Biyernes ng masunog ang bahay ng biktima.

Una ng nakalabas ang biktima sa kanilang bahay subalit bigla na lamang itong bumalik para kunin ang ibang gamit.

-- Advertisement --

Dahil dito ay hindi na nakalabas pa ng buhay ang biktima at nakita na lamang ang bangkay nito sa kanilang banyo.

Nasugatan naman sa katawan ang 16-anyos na anak ng biktima na itinakbo na sa pagamutan.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog sa lugar.