-- Advertisements --
Nabigo ang Gilas U-16 laban sa Japan 73-67 sa 2022 FIBA Under 16 Asia Championship na ginanap sa Doha, Qatar.
Nasayang ang nagawang 18 points at 16 rebounds ni Caelum Harris habang mayroong 12 points si Jared Bahay.
Nahigitan ng Japan ang Pilipinas sa perimeter shooting kung saan mayroong 27.59 percent sila kontra sa 17.39 percent ng national team ng bansa.
Dahil sa dito ay nasa pangalawang puwesto na ang Pilipinas na susunod na makakaharap nila ang Kazakhstan na kailangan nilang talunin para makapasok sa susunod na round.
Magugunitang naging matagumpay ang panalo ng Gilas laban sa Kuwait 82-45 noong nakaraang araw.