-- Advertisements --
Inaprubahan ng PBA board of governors na lumahok ang ibang manlalaro mula sa mapipiliing koponan para sa nalalapit na Fiba Basketball World Cup Asia sa Nobyembre.
Kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial na bukas sila sa gagawing hakbang ng Gilas coaching staff.
Sinasabing bibigyan ng pagkakataon ang head coach na si Chot Reyes na mamimili ng kukuning players na limitado mula sa dalawa hanggang tatlong koponan.
Habang ang PBA naman ay magpapatuloy sa kanilang torneyo sa panahon ng FIBA window.
Isasagawa ang ikaapat na FIBA window ng Gilas na gagawin sa Jordan sa Nov. 10 at Saudi Arabia naman sa Nov. 13.