NAGA CITY- Ang pagiging agrisibo sa laban ang umano’y pwedeng maging taktika na makatulong sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Coach JC Nuyles ng Ateneo de Cebu, sinabi nitong walang magiging problema sa koponan kahit hindi makakasama si Jordan Clarkson sa mga laro.
Hindi na rin kasi aniya baguhan sa mga international games ang mga idinagdag na players na sina Robert Bolick, CJ Perez at Kiefer Ravena.
Maganda rin aniya ang consistency ng kopunan sa pag-execute ng mga turo ni Coach Yeng Guiao at kailangan lamang maging agresibo upang magkaroon ng tyansang makapasok sa susunod na laban.
Kung maaalala, matinding paghimay ang ginawa ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao bago inilabas ang final 12 na sasabak sa FIBA World Cup na magsisimula sa katapusan ng buwan sa China.