-- Advertisements --

Nagtapos lamang sa pang-anim na puwesto ang Gilas Pilipinas Youth sa FIBA Under -18 Asian Championship na ginaganpa sa Iran.

Ito ay matapos talunin sila ng Iran 89-72 sa laro na ginanap sa Azadi Basketball Hall sa Tehran.

Dominado ng home team ang laro kung saan umabot pa sa 27 points ang naging kalamangan nila.

Hindi na pinalamang ng Iran team ang Gilas Pilipinas Youth para makuha ang ikalimang puwesto.

-- Advertisement --

Bumida sa panalo si Mohammad Amini na nagtala ng 19 points, 10 rebounds at siyam na assists.

Nasayang naman ang nagawang 22 points at limang rebounds ni Mason Amos habang 18 points, limang rebounds at tatlong assists ni EJ Abadam at nine points ni Kyle Gamber para sa Gilas Pilipinas Youth.