Tinalo ng Gilas Pilipinas ang South Korean club Changwon LG Sakers 86-81 sa kanilang tuneup games para sa 19th Asian Games sa Philsport Arena.
Mula simula ng laro ay hindi makalayo ang Gilas Pilipinas.
Nakalayo sila ng bahagya 82-75 pagkatapos ng third quarter.
Nanguna sa panalo ng Gilas si Justin Brownlee na nagtala ng 19 points habang mayroong 16 points naman si June Mar Fajardo at 13 points at 11 rebounds naman si Calvin Oftana.
Naging bukas sa publiko ang nasabing laro kung saan naglaro din ang mga bagong dagdag sa Gilas na sina CJ Perez, Chris Ross, Kevin Alas, Marcio Lassiter, Arvin Tolentino, Scottie Thompson, Ange Kouame, Chris Newsome at Japeth Aguilar.
Magugunitang nitong Martes ay hindi natuloy ang tuneup games ng Gilas Pilipinas sa Meralco Bolts sa Inspire Sports Academy sa Laguna dahil sa hindi pa tiyak ang pagsali noon nina Terrence Romeo, Calvin Abueva, Jason Perkins at Mo Tautuaa.