-- Advertisements --
Pinahiya ng Gilas Pilipinas Under 18 ang Chinese Taipei 84-73 sa group game ng 2022 FIBA U18 Asian Championship.
Hawak pa ng Chinese Taipei ang kalamangan sa third quarter 63-60 bago makuha ng Gilas ang kalamangan 66-64 sa pagpasok ng last quarter.
Mula sa last quarter ay nakontrol na ng Gilas Pilipinas U18 ang laro at hindi na pinalamang ang Chinese Taipei.
Nanguna sa panalo si Mason Amos na nagtala ng 28 points, habang mayroong 16 points si James Nacua at 8 points at 10 rebounds si Jared Bahay.
Ito na ang pangatlong panalo ng Gilas Pilipinas U18.