-- Advertisements --
Hindi nawawala sa prioridad ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na kunin si Filipino-Amercian Jordan Clarkson para sa 2023 FIBA World Cup.
Ayon kay SBP executive director Sonny Barrios, na nananatiling isang option pa rin nila si Clarkson para sa nasabing torneo.
Ipapaubaya naman nila kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang nasabing desisyon kung sino ang maaaring isama nilang naturalized player.
Hindi rin binanggit ni Barrios kung sino ang maaring kunin nilang naturalized player pero nasa listahan nila ang mas matangkad na manlalaro.










