Target ngayon ng Gilas Pilipinas na makakuha ng puwesto sa semifinals ng nagpapatuloy na 32d Southeast Asian Games sa pagharap nila mamaya sa bansang Singapore dakong alas-dos ng hapon oras sa Pilipinas.
Ito ay matapos ang masaklap na pagkatalo nila nitong Huwebes sa host country ng Cambodia sa score na 79-68.
Inamin ni Gilas coach Chot Reyes na nagkaroong sila ng malaking hamon ng makaranas ng matinding dehydratioin si naturalized player Justin Brownlee dahil sa labis na init ng temperatura sa lugar.
Maituturing na nila ng isang aral ito at sila ay nakapag-move on na.
Sa nasabing laro sa Cambodia ay nagkaroon pa ng tensiyon ng tumawag pa ng time-out ang coach ng host country sa natitirang 20.7 seconds kung saan malayo na ang kanilang kalamangan.
Dagdag pa ni Reyes na unwritten rule ang nasabing ginawa ng coach ng Cambodia na isang uri pa ng insulto sa kanila.
Hindi naman nila mamaliitin ang Singapore kahit na natalo sila sa Cambodia 85-60 at ng Malaysia sa score na 93-70.