-- Advertisements --
Pinahiya ng Gilas Pilipinas sa sarili nilang home court ang Saudi Arabia 76-63 sa fifh window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Lunes ng madaling araw.
Naging mabagal ang simula ng Gilas sa first quarter kung saan nagtapos ito sa all-16.
Pagpasok ng ikalawang quarter ay binago ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang line-up at doon na bahagyang umarangkada ang national basketball team ng bansa.
Bumid sa panalo ng Gilas si Kai Sotto na nagtala ng 11 points, siyam na rebounds at limang blocks.
Mayroon ng limang panalo at tatlong talo ang Gilas at susunod na laro nila sa Pebrero laban sa Jordan at Lebanon.