-- Advertisements --
19th Asian Games Gilas vs Iran Brownlee 1024x576

Nanaig ang Gilas Pilipinas sa naging quarterfinals match nito kontra Iran sa score na 84 – 83.

Sa unang bahagi ng laro, nagawa ng Gilas na idikta ang pacing ng laro laban sa Iran.

Umabot kasi sa 21 big points ang kalamangan ng Gilas kontra sa karibal nitong team, sa kalagitnaan ng 3rd quarter.

Gayonpaman, biglang nagbuhos ng sunod-sunod na 2-point shots ang Iran at nahabol ang national team, hanggang sa lumamang pa ito sa huling tatlong minuto ng huling kwarter.

Nagawa naman ng team Phils sa pangunguna ni Justin Brownlee na maipasok ang mga huling hirit nito, hanggang sa maungusan ang Iran, 84 – 83. sa pagtatapos ng 4rth quarter.

Nagtala si Justin Brownlee ng 36pts, 8rebs, at 4asts sa naging panalo ng Gilas, habang nag-ambag naman si Junemar Fajardo ng 18pts, 8rebs, at 4asts

Sa kasalukuyan, maghihintay na lamang ang Pilipinas sa iba pang resulta ng quarterfinals game bago susuong sa Semis ng Men’s 5×5 Basketball, sa nagpapatuloy na Asian Games 2023.

Samantala, ang pagpasok ng Gilas sa Asiad Men’s Basketball Semis ay ang unang pagkakataon na nagawa ito ng national team, makalipas ang 21 years.