-- Advertisements --
Naulit ng Gilas Pilipinas ang kanilang panalo laban sa Iran 63-48 sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Heyuh WUS International Basketball Tournament sa Guandon, China.
Sa simula ay hawak na ng Gilas ang kalamangan kung saan umabot ito sa double digit sa pagtatapos ng first quarter 22-9.
Pagpasok ng second quarter ay biglang umarangkada ang Iran para mabawasan ang lamang ng Gilas 31-30 sa pagtatapos ng halftime.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang bentahe ng Gilas Pilipinas kung saan ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup sa Agosto 25.
Nakatakda namang makaharap ng Gilas Pilipinas ang Mexico at Montenegro sa isang friendly match bago ang pagsabak sa World Cup.