Nasa training bubbles na ang Gilas Pilipinas ilang araw bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula ngayong linggo.
Pinangunahan ni coach Chot Reyes at ang 13 manlalaro nito para sa torneo na magsisimula sa Pebrero 24 hanggang 28.
Kabilang sa bubbles sina B. League players Thirdy Ravena at Dwight Ramos, naturalized player Ange Kouame, Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel, Lebron Lopez, Robert Bolick, Poy Erram, Kelly Williams, Gab Banal at Kib Montalbo.
Kumpleto ring nasa bubbles na ang coaching staff ni Reyes na sina Jong Uichico, Josh Reyes, Marc Pingris at Nedad Vucinic at mga team officials.
Sisimulan ng Gilas ang laro sa Pebrero 24 laban sa South Korea at susundan kontra sa India sa Pebrero 25.
Pagkatapos ng isang araw na pahinga ay makakaharap nila ang New Zealand sa Pebrero 27 at South Korea muli sa 28th.