Nasa New Zealand na ang national team Gilas Pilipinas upang sumabak sa third window ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers.
Ang 11-man team ay pangungunahan ng PBA star na si Kiefer Ravena kung saan makakaharap nila ang powerhouse team na New Zealand at India.
Nakatakda ang laro ng mga Pinoy sa June 30 at sa July 3.
Ang iba pang bahagi ng Philippine team ay sina SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, William Navarro, Francis “Lebron” Lopez, Geo Chiu, Dwight Ramos, Rhenz Abando, Kevin Quiambao at Dave Ildefonso.
Una nang inamin ng national team coach Nenad Vucinic na kulang sa height ang koponan matapos dumanas ng injury ang naturalized Filipino player na si Ange Kouame.
Mapapansin na iilan lamang ang professional players sa team dahil sa kasabay nito ngayon ang torneyo sa PBA na Philippine Cup.
Sa ngayon ang Pilipinas ay mga record na 1-1 matapos ang panalo laban sa India at pagkatalo naman sa New Zealand noong February window.
Ang New Zealand ay nangunguna sa Group A na may 3-0 record, habang ang India naman ay wala pang panalo sa tatlong games.