-- Advertisements --
Nalusutan ng Gilas Pilipinas ang Thailand 76-73 sa kanilang unang laro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Sa simula ay tila nahirapan ang Gilas hanggang nakabangon sila at tinambakan ng 12 points ang Thailand.
Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang Gilas na nagtala ng 28 points at 12 rebounds habang mayroong 17 points anim na rebounds si Thirdy Ravena.
Binalak pa ng Thailand na madala sa overtime ang laro sa ilang segundong natitira sa laro subalit gumana ang matinding depensa mula kay Roger Pogoy.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang Cambodia sa darating na Mayo 17.